Gusto mo bang matuto paano mag luto ng adobo? Kung Oo pwes nasa tama kang lugar, di na importante kung manok, baka, o baboy ay iyong lulutuin dahil basta tungkol sa adobo parehas lang ang paraan. 

Paano Mag Luto ng Adobo

Paano mag luto ng adobo

Mga Ingredients:

° 1kilo ng Karne(Manok, Baka, Baboy)
° 3 Tbsp ng Mantika / Oil
° 4 Cloves ng Bawang
° 1/2 Onions
° 10 Tbsp Toyo
° 5 Tbsp Suka
° 1/2 Tbsp Brown Sugar
° 1 Tsp Pepper
° 3 Baso ng Tubig
° Meat Cubes
° 3 Dahon ng Laurel

Steps Paano Lutuin ang Adobo


1.Hiwain ang karne sa inyong gustong sukat.

2.Hugasan ang karne at patuluin.

3.Ipainit ang mantika sa kawali

4.Igisa ang bawang at sibuyas

5.Isunod ang karne

6.Haluin at takpan

7.Paminsan-minsan ay haluin hanggang mag-iba ang kulay ng karne

8.Pag nawala na ang pinkish color ng hilaw na karne at pantay na ang kulay, ay ihalo na ang toyo at igisa ng isang minuto. Para mag-blend ang kulay ng toyo. Tandaan na medium heat lang ang apoy

9.Ihalo ang tubig, suka, asukal at paminta. Kung mayroong laurel, isama nadin ito.

10.Takpan at hintaying kumulo. Haluin paminsan-minsan. Hinaan ang apoy
Pagkaraan ng 30 minutes, tikman at sa puntong ito ay lasahan ng naaayon sa inyong gustong panlasa. Ito yung time na pwede ka mag-dagdag ng konting toyo o suka at konting tubig pa

11.Takpan uli. Pakatandaan na medyo mahina nalang ang apoy nito. Para hindi ito matuyuan ng sabaw at para manuot ang sarsa sa karne
Kung kayo ay nagdagdag ng inyong sarsa, ito ay kailangang mapakuluan uli sa mahinang apoy

12.Para malaman kung luto na ang karne ay tusukin ng tinidor ang laman ng karne. Kapag ang tinidor ay tuloy-tuloy na bumaon, ito ay siguradong luto na pero pag ito ay lumalaban pa, kailangan na takpan muli ng ilang minuto pa.
Advertisement