Gamot sa matinding lagnat at sipon malubha

Ikaw ba ay may nararamdamang sakit tulad ng malubhang lagnat at sipon? Kung Oo ay baka makatulong itong tips na hinanda ko para sayo. 

Lagnat at sipon ay isa lamang pangkaraniwang sakit ng tao dahil lahat ng tao nagkakaroon nito mahirap man o mayaman, kaya minsan kapag may lagnat iniisip na lang natin na kung sakaling sisiponin o lalagnatin tayo ng malubha sana di tayo mahihirapan sa proseso ng paggaling ng sipon at lagnat, kaya kung ikaw yung isa sa mga gusto maging magaan ang buhay kahit may lagnat at sipon itong tips ang para sayo. 

Sa huling parte ng page na to sasabihin ko sayo ano yung mga epektibong gamot na iniinom namin kapag kami ay nilalagnat ng matindi kaya mabilis lang kami gumagaling galing sa malubhang lagnat at sipon, pero bago yon bibigyan muna kita ng mga paalala.

Ano ang Gagawin Tuwing May Lagnat na Dumarating?

Ugaliing Uminom Lagi ng Tubig

Kapag ikaw ay nilalagnat, karaniwang umiinit ang iyong katawan dahil rin sa lagi kang naglalabas ng sipon sa iyong katawan(nadedehydrate ka) at para mabalanse mo ang temperatura sa iyong katawan kailangan mong ugaliing uminom ng tubig para mabawas bawasan ang init sa iyong katawan.

Dalasan Mo ang Sabaw na Ulam

Madalas kapag kami nilalagnat nagluluto kami ng sabaw na manok tapos hinahaluan namin ng malungay para kahit papano nagpapadagdag ito ng resistensya sa aming katawan para laban sa anu mang sakit.

Gamot Para sa Malubha o Matinding Lagnat at Sipon

Kapag kami ay nagkakaroon ng malubhang sakit umiinom kami ng 1 vitamin C kada araw dahil kapag tayo ay may lagnat kulang tayo ng vitamin C at paracetamol every 4 hours para hindi masyadong mastress ang katawan natin sa masamang nararamdaman natin tuwing tayo ay nagkakalagnat.

Sana ay may naitulong sayo ang page na to, salamat sa iyong oras sa pagbasa sa blog na ito ang good luck sayo kaibigan.

Advertisement